Mabilog, matambok, maitim
Sa palayan nagtatago sa lilim
Sa gabi gumagapang nagpapadulas
Hahanap ng kagutumang lunas
Pagsapit ng umaga ay tulog na tulog
Siguradong busog na busog
Pag nakita siya ni Pinoy
Siguradong sa buslo siya tutuloy
Sa timba muna sila patitirahin
Para ilabas lahat ang mga kinain
Pagkatapos sila ay kukuskusin
Ang labas ay mga itim na nagniningning
Basagin ang dulo bago pakuluan
Para madaling masipsip ang laman
Lagyan ng asin, sibuyas, kamatis at luya
Dagdagan ng betsin at sampalok pampalasa
Magluto na rin ng maraming kanin
Ilabas ang San Miguel na inumin
Habang ihinahain ay siguradong langhap
Amoy, ay talagang masarap
Pagdampot ay piliin 'yong mataba
Sabay dampi sa bibig, sipsip, pikit pa ang mga mata
Mga dalaga, dahan dahan ang sipsip baka ika'y masuka
Sayang na sayang dina gagapang pa