Tuesday, October 30, 2007

alingasngas

simoy ng hangin sa dahon dinig
kalakip ng lambing sadyang nanaig
mga bungang isip nasang ipagunita
sa gitna ng langit nailalathala

ngiting salubong sa madaling-araw
namumukadkad nagbibigay tanglaw
mga bakas sadyang nakaukit sa palad
punasan mo man, mayroon pa rin lantad

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

-->