Sunday, October 28, 2007

patak ng langit

simoy ng hangin hilahila ang kulimlim
nagbibigay katahimikan sa nararating
kaluskus ng mga pakpak lilipadlipad
nagmamadaling makauwi sa kanilang pugad

halimuyak ng hanging kalakip ulan
parating binabaybay ang kalawakan
daho'y nagsasayawan, nagsasayahan
nagnanasang sa saglit mapapatakan

alikabok sa lupang aking ina-apakan
nagpapadamang pawiin ang kauhawan
gayun din ang ilog gustong maragdagan
para umagos at magsilbi sa mamamayan

mga pangarap malapit ng magkatotoo
naramdaman ko na ang basang samyo
ng malakas na tunog ng tubig pumapatak
sa kapligiran, ako'y basang nagagalak

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

-->