Friday, October 26, 2007

ulap bughaw

malambing na ulap bughaw
sa hardin mo abot tanaw
hanggang naglahong unti-unti
tangay ang kaligayahang munti

panay titig mo kalakip ngiti
'di mo namalayang paos mong labi
hanggang naglahong unti-unti
tangay ang kaligayahan mong munti

mayroong naiwang himlay ng alaala
sa masuyo mong tabing nakalathala
para man sakali sila'y makadama
ng kasiyahan at pagkamangha

Labels:

-->