Friday, October 26, 2007

paano ka na ngayon

malayang panaginip alay
tamis sa bawat himlay
ng gabing nagbibigay saysay
nagnanasang mabibigyang kulay

bibig nakatikum sa kumpas ng pitik
nanalig sa pangarap yaring kalakip
simoy ng hangin sa labi'y humahalik
tinatamasa ang bawat nagdaraang saglit

mga matang sa bintana nakatanaw
nangungulila, paminsa'y panakaw
hanggat abutin ng dapit hapon
nangangambang paano ka na ngayon

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

-->