Wednesday, June 29, 2005

Bakit Kaya 12/06/03


Bawat patak ng luha'y lunas
Bawat pagsikat ay isang nabawas
Bakit ako'y nagdaramdam
Kahit matagal mo na akong iniwan
Talaga bang ganyan
Pag-ibig mo'y walang kapantay
Kaya nagtitiis, naghihintay
Pag sumagi sa yaring isip
Dibdib ko'y nagsisikip
Lihim kong pinupuntahan
Ang mga dati nating tagpuan
Para sariwain ang mga nakaraan
Doon, parang damdamin ko'y gumagaan
At may ngiti na naman akong lilisan

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

-->