Tuesday, November 20, 2007

hanging kanluran

hanging kanluran


matatamis na ngiti alay ng labi
marahang balikas di nagkukunwari
galing sa binibining ubod ng yumi
sa luntiang, dulo ng bahaghari

gubat mang puno ng mga bulaklak
sa pagsapit ng umaga humahalimuyak
pugad ng naggagandahang lumilipadlipad
sa puso ko; kung minsay napapadpad

sa bawat sandaling akoy nag-iisa umaasa
naglalakbay, nakikipagbunyi sa mga alaala
kung bakit dimawaglit sa aking isip;kasaglit
sa dulo ng langit ay abang nagpupumilit

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

-->