Sunday, June 12, 2005

Ikaw Lamang 6/08/05

tilamsik ng saya aking nadama
sa tamis ng ngiti mo aking sinta
masuyong bulong nagsimula
puso kong malimit kakabakaba

pagsapit ng malambing na takipsilim
yamot akong lilisanin ang matahimik na lilim
sa bawat apak palayo ay mahiwagang pitik
magpapahinga ako't muling magbabalik

kinabukasan akoy maagang babangon
magandang busilak hinihintay na ako roon
simoy ng hanging amihan aking kalaro
marangyang bukirin akoy sinusuyo

sadyang panaginip ang nagbibigay buhay
sa mga damdaming hiyang sa paglalakbay
saanman ako makarating, ikaw pa rin
ang laging kapiling at tanging mamahalin

mkks-makakaimis

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

-->