Thursday, November 08, 2007

Rosas Para Sa Iyo

luntiang kampupot
sa pag-ibig nabalot
mumunting dahong nakapaligid
parang manggas sa yaring dibdib
kumikinang sa halik ng araw
nai-idlip sa tingin ng tanglaw

pagsapit ng umagang mapagmahal
namumukadkad alay ng maykapal
panibagong, marangyang kulay
pang-akit sa mga matang matamlay
kasiyahan at katahimikan itataguyod
liban sa nagliliparang mga bubuyog

pupog ng halik ng mga mata
nilalambing ang ating gunita
sa bawat sandaling makaraan
nagbabago't kinukupasan
hanggang sa alaala matanim
at manatiling mahal na lihim

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

-->