Tuesday, September 12, 2006

sa aking pag-iisa

mga bakas sa kabuhanginan
larawan ng mga nagdaan
pagsikat, pagsapit ng dilim
nanatiling wagas na lihim

sa bawat isa'y may minimithi
sa puso; laman ng labi
kung sakali man masawi
sa isip na lang itinatabi

kung minsan sadyang kinikimkim
bunga ng bibig ayaw patikim
mga luhang napatak sa panyong angkin
tanging nakasilid; dinadalaw ng tingin

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

-->