Saturday, September 16, 2006

kurutin mo aking panaginip

simoy ng hangin aking naramdaman
yaring maririing halik nga naman
mga nakaraan aking sinilayan
akoy namangha; pumikit na lamang

mga kaluskos; awit ng mga ibon
sumasapi sa isip sadyang mahinahon
unti-unting nabubuo mga nagbabalik
mumunting gawa; pag-ibig kalakip

nakahinga ako ng di kalaliman
tumayo ako patungo sa karagatan
lulunurin ko ang aking kaisipan
sa lakas ng alon sa dalampasigan

nang maaninaw kita sa di kalayuan
andiyan ka pala;akoy pinagmamasdan
halos ako takasan ng lakas sa galak
namalayan ko na lang ikay akap-akap

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

-->