Makita Mo Kaya
Makita Mo Kaya
Matahimik na paligid, di mapanganib
Balisang damdamin kimkim sa dibdib
Bulong ng mga dahong kumakawaykaway
Kayamanang lihim ay tanging taglay
Silip ng buwan, banaag sa landas
Sinasariwa mga saglit na nakalipas
Patak ng luha sa dilim napawi
Matang malamlam, nakatikom na labi
Naglalakbay sa duyan ng gabi
Munting kubong pinagmulan
May ningning at kapayapaan
Naghihintay sa matagal ng lumisan
Simoy ng hangin taghoy ng damdamin
Tinatahak ang malawak na bukirin
Sigaw ng kaluluwang nakabaon sa lupa
Hawiin sa hirap, pagmamamhal ay ipadama
Paano kaya talamak na ang pinsala
Didinggin po ba kaya; pangako ng dila
0 Comments:
Post a Comment
<< Home