Monday, June 07, 2004

Minsan Lang

Minsan Lang(06/07/04)
Kaluskos ng mga papel tinitiklop
Lagitik, mga paang palayo sa sulok
Huni ng kuwago, taglay hiwaga
Sa isang silid mahimbing na dalaga
Anino hinahaplos ang dingding
Nakatanaw sa malayong bituin
Binubulong "sinta saan ka man naroroon"
"Puso ko'y nalulumbay hanggang ngayon."

Paos na salita, pusong mahapdi
Panaghuyan nilunod ng kirwi
Sa gitna ng nagkalat na mga bote
Hanggang takasan ng ulira't mahimbing
Kasasambit ng pangalan ni Neneng
Nagmahal ng minsan lang
Nasawi, ang isip palutanglutang
Naghihintay ng patutunguhan

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

-->